Wednesday, March 02, 2005

awit kay sto. niño

guen and i were sharing some embarrassing yet fulfilling LCG experiences the other day. share ko rin with you... =)

it was a friday mass and friday masses are always preceded by the novena to sto. niño. i was assigned as the lector for the mass 'cause i'm not really familiar in leading the novena. worse, i have no idea how the opening song goes. ok petiks muna maaga pa... pre-read the readings. clock ticks, uh oh, mukang no-show ang reader ng novena. panic mode... i CAN'T lead the novena! i DON'T want to sing! waaaah!

can't just walk out though. walang nagawa, i led the novena. ok opening prayer... no sweat. went fine.

uh oh... here comes the song... what to do? what to do? alangan mag-imbento ako ng tono!

winning line: "awitin po natin ang awit kay sto. niño..." (?) sabay mega tungo ng ulo... taimtim daw... hehe duh.

and the manangs were all like "awit kay sto. niño daw..." ay clueless sina lola! waaah! and more whispers... "pano ba yung awit kay sto. niño?" sikuhan sina lola... 30 seconds pa of the most uncomfortable silence i've heard... or was that over a minute?

and my life saver was an elderly woman who deciphered the tone of the song... yahoo! ok. kanta na ang sambayanang pilipino. hehe... dummy me! funny thing is, i still don't know how the song goes hehe. dummy-est! waaah! red hot ears!!!

1 comment:

Anonymous said...

I'm not sure if this is what you are looking for but the Youtube link is: http://youtu.be/7rj7dg7MQuY. Sorry, if you find a better link, kindly share it to us.

Here are the lyrics to the song:

AWIT KAY SANTO NIÑO

A
O Santo Niño, mahal naming santo!
Patron ng bata't matatanda.
Purihi't sambahin ang Kanyang ngalan.
Magalak tayo at masiyahan.

B
Kung ang hanap ninyo'y kapayapaan,
Pagmamahal ng Amang lumalang,
Lumapit tayo, tayo'y magpugay,
Pakundangan sa Diyos na Maykapal.

Koro 1
Ang ating puso, ang ating diwa,
Ating ialay nang kusa,
Sa 'ting Poong Diyos, tanging Siyang Maylikha
Sa lahat ng mga bansa.

Magpasalamat, tayo'y manalig
Sa ating Diyos ng pag-ibig.
Tayo'y umasa na kahit Siya'y paslit
Hinding hindi ka iwawaglit.

Ulitin ang A at B. Isunod ang Koro 2.

Koro 2
Halina't magsaya, halina't umawit
Sa ating Diyos ng pag-ibig.
Sa ating paghibik, tayo'y mananabik,
Sa 'ti'y saksi'y lupa't langit.

Sa ligaya't lumbay sa mundong ibabaw
Ang Santo Niño'y ating tanglaw.
O Santo Niño! O Santo Niño!
Ligaya't buhay naming kinapal.

O Santo Niño! O Santo Niño!
Ligaya't buhay naming kinapal.

Courtesy of this link: http://www.flickr.com/photos/jhondfox/2201236636/