Thursday, July 13, 2006

tanong tanong

sa mahigit-kumulang na 8 buwan ko nang nag co-commute papasok at pauwi, may isa lang akong tanong regarding fx passengers. bakit kapag yung pasahero, nakaupo sa likod ng driver ng fx, yung sa apatan, yung nasa far left, tapos bababa na sya at puno yung apatan at wala syang choice kundi sa left side (or danger side) bumaba, nagtatanong ng isang mahiwagang tanong sa driver... at ang tanong ay:

"manong, pwede dito?"

at ang tanong na ito, nagsasanga-sanga tuloy sa iba pang tanong.naisip ko lang...
  • pag sumagot ba nang "hindi" yung driver, anong mangyayari? pabababain muna nya lahat yung nasa kanan nya?

  • pano naman kung NR yung driver? hindi na rin ba bababa yung pasahero?

  • bakit minsan, nagagalit si manong kapag dito bababa yung pasahero. tapos magdadabog pa ito. nevertheless, bababa rin si manong driver at bubuksan ang pinto for the passenger? ano ito? special? may taga-bukas pa.


  • hindi naman ako nag FX nung nasa spi pa ko. pero nung nagstart ako mag FX, guess what? tinatanong ko na rin yan kay manong, "manong, pwede dito?" mahirap na... baka yan ang uso or yan ay isa sa mga hidden communication between pasahero and manong, at baka magalit si manong pag di ka nagtanong. pero bakit?

    4 comments:

    lecinqjulliet said...

    ako nag FX din dati nung nagwowork pa ako sa makati, ang pagkakaalam ko kaya ko sinasabi yun para pagbuksan ako ng driver hehe.. kc usually a.) sira yung pinto na yun or b.) baka pag binuksan ko yun mahagip ako ng sasakyang parating na di ko nakikita hehe... and c.) para kung sinabi ng manong na hindi pwede, may excuse akong pababain yung mga nasa kanan ko hehe..

    beng said...

    hahaha! ayus! anyways, may naisip din ako dati, talaga bang apatan yung gitnang part ng FX? bakit laging siksikan yung mga nakaupo don, kahit mga payat naman sila?

    xtianjames said...

    baka kaya nagdadabog si manong ay baka kasi ayaw niya tawagin siyang manong? ever thought of that...hehehe...

    kitty_caths said...

    wehehe tama ang mga tanong nyo! kukulit :)