minsan, ang kandila hyper. matindi magningas. siguro dahil dun sa mahabang mitsa. ang liwanag! ang laki ng apoy. parang nagsasayaw. malikot. masigasig. kahit merong hanging bumubuga-buga, hindi madaling mamatay. ganadong ganadong mag give light at magningning! kelangan mo ng todong effort to make a big blow bago sya ma-dead.
minsan naman, ang kandila low batt. siguro dahil halos parang nilalamon na ng kandila yung mitsa. yumyum ba. todo flicker weakly ang light. will it die? or will it not die? kahit anong gawin mong takip at pag-iwas sa hangin, wala, namamatay din. minsan nga, ayaw na sumindi e. in that case, useless na ang kandila. patapon na.
pero 'di naman laging hopeless case yun e pag ayaw sumindi. minsan kelangan mo sunugin yung kandila mismo para lumabas yung mitsa... remedyo ba. ganun naman ang buhay eh. remedyuhan lang ang mga pagkukulang, tapos ok na ulit. tapos, liliwanag na ulit. minsan. minsan, hindi rin.
what's with the candle? ewan ko. parang ako siguro...
3 years ago
No comments:
Post a Comment