grabe na ang init ng panahon! parang kailan lang, matutuwa ka pa kahit na lumabas ka ng 2:00 ng hapon kse medyo chilly pa ang panahon kahit na may araw. e ngayon, hay. kasabay ng pag-init ng panahon ang pang-init din ng ulo ng mga taong nasa ilalim ng araw. halos lahat nakasimangot! kasama na 'ko dun. hehe. mahirap talagang ngumiti kapag mainit ang araw. ewan ko. instinct ko na sigurong kumunot ng noo. kse silawin akong tao. at hindi ako palangiti lalo na kung mag-isa lang ako. may mga tao lang sigurong nasa nature na ang pagngiti (hindi ako isa sa kanila. sorry :-S).
masaya ang summer. favorite ko itong panahon. mas natotolerate ko kasi ang init kesa sa lamig. hehe. pero... may mga bagay lang talagang nakakairita kapag summer (specifically kapag namamasahe ka lang):
mga mukang nakasimangot dahil sa initmga pathetic na aircon sa mga fx at bus. hindi talaga nila carry ang init.pawis. maraming pawis.ang pawis ng katabi mo ay pawis mo na rin. yak.isama na natin sa pawis ang amoy ng pawis. yak. (ok lang ito as long as hindi lilipat sayo ang amoy ng katabi mo)dahil kulot ako, nagpaparelax ako ng buhok. at kapag naarawan ang relaxed kong buhok, lumulutong ito. ayoko nito.yung mga taong sobrang vocal na naiinitan sila. mga super sighs at kung ano-anong sinasabi kahit na mag-isa lang sila. cool, man! bawal init-ulo.yung init pag sinamahan mo ng traffic, riot ito. mas maraming nagiging vocal sa mga feelings of disgust nila. dangerous combo.nakakaitim ang araw. kundi rin lang sa beach iitim, sayang naman. sa beach lang ako lisensyadong umitim.hmm... yun lang naman other than those, i love everything about summer! what do you know? SUMMER NA TALAGA!!!! woohoo! life is good!!!
1 comment:
hahahha..funny naman nito. love ko lang ang summer pag sa beach. eh alam mo naman ako may hyperhidrosis diba (grabe ang kamay!) kaya super hate ko talga pag mainit.
Post a Comment