Monday, May 21, 2007

may ubo, may sipon

friday... nagsimula ang lahat. may kakaibang pakiramdam sa lalamunan. parang makati. kinahapunan, ayan kumakahol na si ate. sa payo ni mommy jen, bumili ako ng robitussin sa guardian. kay mahal. $9++. parang almost 300 na un sa pinas a. vitamins ba ito?

sa office pa lang, nagstart na akong tumira ng robitussin. parang walang effect. in fact, parang lalong naninikip ang dibdib ko. parang pinipigilan nya ang kung ano mang kailangang magpumiglas sa katawan ko.

pagdating ng gabi, parang naka 3 shots na ako ng robitussin. ayos naman nakapaglaba pa ako. mag-isa lang ako kse si kuya nakipag-inuman with friends. pagdating ng mga 12 midnight, ayan na, inatake na ako ng ubo... ay para akong may sanib grabe nakakahiya! hahaha. hanggang mga 3am, para akong dog. susme.

sabado, dito lang ako sa bahay baldado. cancel ang lakad with liza at janise. :(

linggo, todo na sa kasamaan ang pakiramdam ko. uminom ako ng decolgen sa payo ni donna. sabi nya, nakakasama raw lalo ang cough syrup. ok. mukang nakatulong ang decolgen. although sunday lang ako uminom, lumalabas na ang sipon ko today :) feeling ko pag naubos sya, magaling na ko. at malapit na yun! yehey!

kanina, naka 5 baso ata ako ng tea. hahaha adik sa tea. pero nakatulong sya! magaling magaling magaling! :)

6 comments:

xtianjames said...

sagot sa cough, colds, and flu dito sa singapore ay iisa lang...PANADOL! maraming versions...panadol for cough, panadol for colds, panadol for flu, etc...

subukan mo...pero honestly sa akin di gumana...baka masyado maraming microbio sa katawan ng pinoy na wala sa katawan ng singaporean kaya di gumana yung Panadol...hehehe...

Mizz Cleo_Kizzy said...

DECOLGEN! oo nga pala... nasa PI ngayon si Reagan, kailangan ko ng bagong stocks nun. haha. gagawin ko syang pusher ng decolgen sa dami ng ipapabili ko!

yun lang talaga pinakaepektib sa sinus probs! and even sa sinat!

feel better caths!

kitty_caths said...

james... naipayo rin sakin ang panadol hehe effective nga raw. sige try ko nga rin yun haha lahat na ng gamot nitry e!

camille... oo nga i heard na pinas si papa. too bad. di ako makakaganti sa kagandahang loob na ipinakita nya (at mo) sa akin dyan hehe. pag nagkita na lang tayo ulit ha! ;)

feeling a bit better now. konti na lang ok na ito! thanks!

Anonymous said...

pagaling ka caths. mishu!

beng said...

awww. get better caths! drug user ka na naman tuloy! tsk tsk! hehehe!

Anonymous said...

nakupo. mahirap pa naman dyan. walang drugstore. hehehe. pharmacy lang.

anyway, alaga po sa sarili. mahirap magkasakit na malayo kay inay. buti na rin lang andyan si kuya pero iba na rin ang nag-iingat. asan na si super caths na di nagkakasakit?

tc po. late post so i assume magaling ka na.. :-)