Sunday, February 24, 2008

ang parada at ang diskuhan

masaya ang 2 nakaraang weekends ko. sa parehong okasyon, kasama ko si janise at si vange. mababait sila. fwends ko sila. masaya akong kasama sila :)

feb. 16 - ang gabi ng parada.

chingay parade ang tawag nila dito. mailaw, extravagant, matao, pinagkagastusan - yan ang masasabi ko sa paradang ito. nakakaaliw dahil may 2 grupo ng pinoy! walang mamahaling float pero nakakatuwa! kasi naman, nakabahag sina kuya... siguro ifugao ang nirepresent nila. yung isang grupo naman, mga batang nagtinikling. magaling, magaling, magaling! kumpara naman sa ibang nagsayaw, magaling talaga ang mga tiniklers. wow.

para lang itong pista sa nayon kasi bumili kami ng mga street food! ang sarap! mais na may butter, kung sa pinas ito, may cheese powder pa ito! bumili rin si janise ng parang kropek na korteng pretzel ng auntie anne's, at pink na cotton candy (na mas malagkit kesa sa usual na cotton candy sa pinas). masarap lahat! chicha lang habang nanonood ng parada!

'di na namin natapos ang parada dahil nagutom na kami. big time! so pumunta na kami sa glutton's bay para magdinner. the usual... hokien mee aka pansit with hipon. at dahil 'di pa nakakatikim si vange ng buntot-pagi (ang tumurok sa puso ni steve irwin), umorder din kami nyan. yum. masarap lahat!

it was a good night. :) more pics HERE

feb. 22 - ang gabi ng diskuhan. tila nabitin kami sa chingay, nag-organize kami ng night out. mag ministry of sound daw ang mga girls. invite invite, nauwi rin sa aming 3. hehe. wow. ang mga girls, nagbihis at nag mekap! ang lalandi! hehehe pinahiram pa ako ng blouse ni ahngel. siguro naisip nyang manang ang mga damit ko bwahaha!

ayan, dance dance kami dun! maganda dahil maraming mga dance floor na iba-iba ang theme. at hulaan kung saan nag-enjoy ang mga lola! sa 80s! bwahaha ang tatanda ng mga kasama namin dun pero dun pinakamasaya! susme. wala naman kaming damoves. mga pasway-sway lang ang kaya kong sayawin.

nag-enjoy rin kaming panoorin ang nagli-lips to lips na magboyfriend na espanyol. ang cute nila. punong-puno ng pag-ibig. hehehe. ang cute!

ganito na pala ang diskuhan ngayon. disko pa rin ang gusto kong tawag, ayaw ko ng "clubbing" wow. tapos, masikip! malilikot ang mga tao! haha! magagaling silang magsayaw! naaliw na akong panoorin lang sila.

masaya ang gabi. di masama at malayong ulitin namin ito. :) ang gabi at ang disko. wow.

2 comments:

beng said...

"disco" *lol* i remembered betts, we are so 80's daw. hahaha!

i miss discoing!

kitty_caths said...

oo! kahit na uncool ang disco, disco pa rin ang gusto ko hahaha!