Thursday, May 01, 2008

pampa

katulad ng ina ko, mahilig akong magpapahid ng kung anu-ano sa katawan ko. hahaha! maka-arte lang ba.

heto't, masdan ang mga bago kong kakikayan.

pampatanggal daw ng peklat ng pimples
libre lang ito sa nabili kong clinique 1-2-3. nagsale kasi, so nagpabili ulit ako kay ahngel. ang cute ng freebies. sinliit ng langgam. hihi. meron akong 2 annoying na peklat ng pimple sa muka, tingnan natin kung eepek itong free na ito hehe.

pampatanggal daw ng wrinkles malapit sa mata
gas, parang ang tanda ko na ah. hehe, talaga namang intensive! susme, sabi parang natatanggal nya ang wrinkles. pero sabi ng titser ko, wala naman daw talagang way na matanggal ang wrinkles. hahaha. ay, libre lang din ito. 'di ko pa nasusubukan. saka na pag matanda na ako. bwahaha, bukas na yun siguro.

pampabango daw ng katawan
ayan, gaya-gaya lang ako, minsan kasi, naamoy ko si jan mabango ang pabango nya. pakopya lang ng amoy hehe. mabango sya pramis! tamang-tama nag-aya si kuya bumili ng pabango sa mustaps kahapon. i like!

pampabawas daw ng dryness ng hairs (waw plural talaga!)
2 linggo na siguro ako twice nagsha-shampoo ng buhok. isa sa umaga, isa sa gabi. di ko alam kung bakit. sa saliksik ko, masama pala ito dahil ang shampoo ay parang detergent na panglaba or panghugas ng plato. maaaring tinatanggal nya ang dumi ng buhok, ngunit it also strips off the natural oil of the hair. waw. since di ko maiwasang maligo sa gabi, sabi ng internet, pwede raw ihalo ang 1 tbsp ng baking soda sa 1 cup warm water as replacement sa shampoo. mild ito compared sa shampoo. sa gabi, baking soda, sa umaga shampoo. subukan natin. :) ito ang favorite kong item sa mga nipost ko today :)

awww i miss my mami, my kikay buddy.

2 comments:

weng said...

napagod na ako sa aking dry hair and flaky scalp.. :(

nataon naman na nung isang linggo e nasa orchard ako at may hair and scalp analysis chuvaness ang kerastase. ayun..sa sobrang shock ko sa nakita ko sa monitor nila, napabili ako ng produkto nila.

nakaka-isang linggo pa lang ako ng paggamit. sana epektib. pero so far, tame na ang flakes. :D ang hair dryness na lang ang inaantay kong magpakita ng resulta.

subukan mo din kaya?

kitty_caths said...

hehehe waw magandang suggestion ito. sige salamat! try ko rin. kse mukang di masyadong ok yung baking soda. parang brittle na yung buhok paggising. hahaha. mas ok pa yung shampoo. ayaw ko na ng baking soda :))