Monday, January 26, 2009

at the end of the day

"at the end of the day" - ang paboritong sabihin ni jake cuenca nang minsang napanood ko sya sa the buzz. siguro every other sentence nya ay may ganito. buti na lang cute sya.


chinese new year. friday pa lang, 'di na kami magkandaugaga kakahanap ng bagong red shirt na isusuot para sa swerte. nakakita naman kami. pinakamatingkad ang shirt ni kuya, sumunod ang kay april, at pinakamapusyaw naman ang sa akin. yun lang ang nakita kong kasya.

sunday. sinama kami ni april sa mistulang reunion nilang college friends. kami ang red team! hehehe. small world talaga dahil nakita ko si lord na schoolmate ko nung college. narinig ko pa lang ang pangalan nya, naisip ko nang sya yun. at sya nga!

pagkatapos ng lunch sa napakalayong kaharian ng woodlands, naisip naming dumaan sa outlet store ng esprit sa yishun. e andun na rin lang kami sa dulo ng singapore, makapag shop man lang nang kaunti. ayos na sana e. kung di lang sana closed for renovation. hahaha! walang napala.

so naisip naming tumungo na sa city para tumingin ng pampaswerteng bagong tsinelas bago magsimba sa cathedral. ayos na sana ulit, kaso lang walang size at walang napusuang design. wala na namang napala! hahaha.

after ng mass, nakalimutan naming sarado lahat ng grocery sa buong mundo ng sg kapag chinese new year. so ang witty idea namin e sumugod sa mustafa. takot kaming magutom. ayos na sana. kaya lang, galanggam ang tao sa mustafa. ganun pala dun pag linggo, parang miyerkules sa baclaran. 'di namin kinaya ang dami ng tao. nag back-out kami. handa na kaming kumain ng sardinas kung walang bukas na grocery kinabukasan. wala na namang napala! ayos.

kailangan ni kuya magpa photocopy ng passport nya. dun sa tindahang pinuntahan namin bago umuwi, may tindang yakult. bumili ako ng isa. ayaw nilang 2. ni-gulp gulp ko ang yakult na parang wala nang bukas.

at the end of the day, i realized that my day has meaning after all.
at the end of the day, we three all got to wear red and survive the stares of the others.
at the end of the day, it's lovely because i met new acquaintances.
at the end of the day, i felt fulfilled because i heard mass.
and at the end of the day, i had yakult!
at the end of the day... (hala inabuso ang favorite phrase ni jake)


No comments: