nag text sakin si wawin kahapon. sabi nya, "wala kong bagsak :)". ayan tuwang-tuwa kami dahil ga-graduate na si wawin! yey! sa tuwa ko, napatawag ako sa kanya.
chika chika, kumustahan, kulitan. hanggang naitanong ko kung anong ulam nila. sabi nya, humiling daw sya kay mami na magluto ng lumpia. peborit namin ang lumpia ni mami kse may pagka-thai ang style nito. imbis na lagyan ng itlog ang hilaw na giniling na baboy, ginigisa na na ang baboy (walang itlog) kasama ng carrots at pinutul-putol na sotanghon, saka ibabalot sa lumpia wrapper at ipi-prito. champion.
so si mami, upon baby's request, mega run sa pure gold para mag grocery ng ingreydyeynts. ok. matapos ang ilang sandali heto na si mami, dala-dala ang mga supot. "yeheeey, lumpia ulam!" yan siguro ang naisigaw ni wawin sa isip nya.
bwahahahaha! tawa ko na lang dahil sa makatuwid, ang lumpiang thai style ay nauwi sa lumpiang ready-to-cook straight from pure gold. just prito-prito and you have your lumpia. bwahaha, kawawang wawin. sabi ni mami, "tinamad ako mag prepare. langya, puro pala patatas yung lumpiang nabili ko!" hahaha.
to further degrade wawin, nagluto ako ng lumpiang thai style ni mami. at ininggit ko sya bwahaha! ang bait ni ate. talaga naman. ang pangarap nyang lumpia, sa mga kamay (at tyan) ko naisakatuparan. *evil grin
3 years ago
No comments:
Post a Comment