napag-usapan namin nung mga nakaraang araw ang aming kabataan. bigla kong naalala ang mga kalaruan ko noon. haaay nakakamiss. sarap bumalik sa pagiging bata :) hindi kami nilunod noon sa laruan. at maraming laruan na inisip kong sana meron ako pero wala hehehe. pero masasabi kong masaya na ako sa mga childhood toys ko:
pinky - isa syang teddy bear na pink. malaki. halos sing laki ko nung mga 4 yrs old ako. lagi ko syang yakap-yakap sa pagtulog ko (with matching pink na night gown). dumating ang panahon na medyo dumumi na sya at nadadagdagan ang edad ko. hindi ko na sya yakap-yakap at ang pwesto na nya ay sa tuktok ng cabinet namin - kasama ng ibang lumang laruan at alikabok :( hanggang isang araw, kailangan na syang itapon dahil na rin siguro sa kalumaan. i miss pinky.barbie at nadia - si barbie - sinong di nakakakilala sa kanya, taas ang kamay. hehe. si nadia - ay ang barbie kong egay. konti lang ang damit nila, as in tig-isa lang sila. pinangarap kong magkaron din sila ng magagarang damit at accessories pero hindi yun ang priorities ng magulang ko nung panahong yon kaya tiis-tiis lang din sina barbie at nadia sa maigsing kumot. di ko maalala kung ginupitan ko sila ng buhok. hindi ko rin alam kung san na sila napapunta ngayon.jakiston - marami akong jackstone set. merong nabibiling mura sa tindahan, yung malaking mabigat na bola na pangit ang talbog, lagi kang dead. pero meron din namang mga medyo mamahalin, magaan yung bola at maganda ang talbog. may case pa. ilan sa mga exhibitiong naaalala ko: around-the-world, check, dot, point, cave.pick-up-sticks at chinese jackstone - hindi ko forte ang mga ito. ni hindi ata ako nagkaron nito e. pero nakasubok ako kahit papano. hindi ko sya trip noon. solid jackstone fan siguro ako.10-20 at chinese garter - masaya ang larong ito. pwedeng garter, pero may kamahalan ata ang garter noon kaya kadalasan, goma lang na pinagdugtong-dugtong ang gamit namin sa bahay. sa school, garter hehehe. uh, hanggang ngayon memorize ko pa ang steps ng 10-20.gumamela - gumamela bubbles! masayang-masaya ako pag nakakapag palobo ako ng gumamela. naaalala ko, lolo ko ang nagturong gumawa nito. mula non, lagi na akong nagpapalobo. ang saya saya noon! tamang-tama may puno kami ng gumamela sa harap ng bahay kaya di ko kailangang mamitas sa kapit-bahay. kaya nung nagpunta kami sa malaysia kamakailan, tuwang-tuwa ako nung nakakita ako ng sandamakmak na puno ng gumamela: pink, red, orange! wow!lutu-lutuan - hindi yung mga mamahaling plastic. lata ito. as in may mga tatak pa ng minola sa ilalim. binili ata ng lola ko sa palengke. enjoy! marami-rami rin akong "nalutong" putahe dito.kisses and stationeries - wala akong batang kakilala na hindi naniniwalang nanganganak ang kisses. nilalagay pa sa bulak pero di ako nakapagpaanak kahit isa. hehe. stationeries - meron akong mangilan-ngilan. ang uso pa noon ay makukulay na folders, dun mo iipunin yung mababangong statio. di ko maalala kung san ako bumibili pero i think uso rin ang palitan ng statio kaya nagiging iba-iba ang collection mo.buti pa ang bata, laruan lang ang problema hahaha.
2 comments:
expert ako sa pick-up-sticks dati!!!! ngayon siguro hindi na, pasmado ever. hehehe!
btw, naniniwala ka rin pala na manganganak ang Kisses pag nilagay mo sa bulak! *lol* unsuccessful din ang fertility project ko na yon eh. oh well.
at sa statio, yup, pwede kang makipag-trade. may value pa yan, like 2 "unknown" statio kapalit ng 1 hello kitty statio. barter trade lang.
hayyy, kay simple lang ng buhay noon, walang mabibigat na suliranin. =P
correctness! ang misteryo ng nanganganak na kisses. although meron talgang matataba diba? yun daw yung mga buntis hahaha! kung pwede lang na ang level ng problema ay na-s-stuck sa pagpapaanak ng kisses... why not? hehe
Post a Comment