Monday, November 10, 2008

salat und jogurt

i saw this draft from thursday. posting now...

salamat sa yahoo babelfish, nai-salin ko sa german and tanghalian kong salad at yogurt. hehe parang ang layo e no. salat lang din naman at jogurt. kunwari healthy. wala lang talagang makaing ok. mag-isa lang akong kumain ngayon.

ako ay ipinatapon sa malayong tanggapan ng ubs sa altstetten. malayo na ako sa mga babae ko. ang mga barkada ko rito ay sina scott at paul - mga kapangkat ko rin sa proyekto ko. para kaming 3 itlog, lagi kaming magkasama mananghalian. duguan na ang ilong ko kaka-inggles at malapit na rin siguro akong maging lalaki. minsan, kapatid na ang turingan namin. susme. pero ngayon, wala sila. kaya ako lang ang lumabas sa nangangagat na lamig upang bumili ng tanghalian ko.

kaunti lang ang pwedeng kainan dito:
1. coop - maliit na grocery na may mga salad, tinapay, mga tipikal na lunch nila dito.
2. migros - grocery rin ito na may mga tekaway na pagkain. maraming pagpipilian, pero medyo malayong lakarin.
3. scent of bamboo - thai na kainan na 'di masyadong maraming pagpipilian pero ok na rin naman... ngunit 'di sya yung totoong mapapa-aww ka sa sarap.
4. kantina ng ubs - dito lang ako nakakita ng kantina na iba ang presyo ng regular at eksternal na empleyado. kawawa ang eksternal - kami yun. dahil mas mahal ang presyuhan. so ayaw nilang kumain dito. alangan kumain ako dito mag-isa?!
5. chinese - mayron ding chinese pero 'di masyadong masarap. sinubukan ko ang bibe nila. mukang di sariwa ang lasa.

6. mcdo - medyo malayo mag bus ka pa. isang beses pa lang kami nakakain dito tekaway pa.

dun ako bumili sa coop ngayon. ok naman busog na ako sa tanghalian kong salat und jogurt. bow.

2 comments:

Mizz Cleo_Kizzy said...

Caths!!!

saang lupalop na ba ng mundo ka ngayon?

kitty_caths said...

ello camille! andito ako sa swicherland hahaha!
miss you!