Tuesday, July 19, 2005

feeling ko, kuya na ako

hihi... excited... with my new mp3 player! woohoo! it came out of nowhere, last saturday, kuya and i were supposed to go to a computer shop to have our pc repaired. but the service for repairs is available on weekdays lang pala.

i have nothing to do so i thought... bakit si kuya may mp3 player... si win may cd player na hinihiram ko lang paminsan-minsan... si mike meron din... e bakit ako wala? mahilig din naman ako sa music ah... haha nagpaawa para lang magkarason bumili...

oh well... i've been eyeing that player since last april pa... naiinggit ako kay mike (at kay leah) hihi. so dapat bibili na rin ako, kuya talked me out of it... di ko naman daw gagamitin... a few weeks after i got home, bumili si kuya ng exact same player... haha...

so... ayun na nga... laging nakatapal sa tenga nya yung earpiece... asus...

going back, last saturday, edi wala na nga kaming lakad kse sarado yung shop... out of nowhere, i pushed his door open with a scary force (na nde ko alam san galing), and i blurted out "kuya, bibili na ko ng mp3 player" (*parang ang tono e super excited... i swear halos napatalon ako pagkakasabi ko nun, smile from ear to ear).

tingin lang sya... ang weird ko raw bigla-bigla lang... kung kelan ko raw nadecide yun. sabi ko, ngayon lang as in ngayon naisip ko lang hihi.. walang pakialamanan. bakit ba? hehe...

so ayun. he was forcing me to get the ipod na lang para nde kami pareho hehe (kse pareho rin kmeng 7650 ang phone na binili 2 yrs ago)... cute yung ipod kulay apple green... kaya lang may mga features na meron sa creative na wala sa dun sa lech na cute na ipod na yun... like hmmm... fm tuner, yung maliit na panglipat na kinakabit para nde naka-expose yung player mo, at yung stand... hehe... yun lang naman. pero for the same price, why settle for mas konting features diba? so creative it is... plus... 5 gigs yung creative, 4 lang yung ipod.

binilhan na rin namin ng speakers para share mo naman ang tunog diba... wag madamot ba... so 1 speaker kay kuya (na birthday gift ko na rin... sabi nya, buti na lang nilibre ko sya. sabi ko mali... buti na lang birthday nya... kse nde ko naman sya ililibre kung nde nya birthday hihi) at isa rin for me...

so ayun. ang haba ng kwento ko... nakakainis. e sa tamad kong to, sabi ko kay kuya, he could do the job of loading up songs in my player. i told him to copy whatever he has in his list. he's more than willing to do the task.

ok monday na, dala ko na sa work si player... ayos... pagkatapos ng araw, feeling ko e kuya na ko. ang mga songs na narinig ko maghapon puro pearl jam, razorback, parokya.. haha pang-kuya ehhh!!! ang lagay pa eh... 3 versions each song pa, 1 original, 1 acoustic, 1 live... asus... sumakit ang ulo ko.

hehe anyway, na-aappreciate ko naman... maganda rin naman and gusto ko rin naman mga songs na ganun... lalo ng pearl jam... astig yun bow ako dun idol ko rin yun.

marami ring lifehouse at coldplay... may naligaw na mga 10 songs ni nina and mymp hihi... kaya ok naman hehe... pang kuya... sana ganahan na ko mag load ng songs "ko" hihi...

3 comments:

Mizz Cleo_Kizzy said...

kudos to you! i'd prefer the other mp3 players over the ipod - ang binabayaran mo lang naman ksi is yung name eh. why pay more for less? dito it's like a deathwish. kung cellphone ang madalas ma-snatch diyan, ipod naman dito. pretty scary lalo na sa subway. sheesh.
on a sidenote, katawa naman post mo. specially after the part na feeling mo "kuya" ka na after listening to those music.
mishu!

lecinqjulliet said...

haha! korek brand lang binabayaran sa ipod =D

haha! kakatawa naman post na ito =P

awi said...

pearl jam, lifehouse coldplay... cool!

gusto ko rin ng mp3 player ... pero useless rin naman for since nasa bahay lang ako wahahahahaha :))

enjoy enjoy! sana maload mo na songs mo para di ka na feeling kukya :D