papasok sa office at 3pm, it was the usual super init day. todo wipe na naman ako ng kapawisan ko sa ilong (uuuyy selosa!), sa batok, leeg, at hairline hehe! pero ang summer season ay hanggang buendia lang. yez. dahil pagdating ng bandang mayapis, rainy season na. weird.
medyo windang ako... parang lagi naman e. basta papasok ako kse naman todo ang init! tapos biglang umulan so ang confusion at katuliruhan ko ay umabot sa maximum level. wala ba sa sarili. ang gusto ko lang talagang mangyari ay makarating ako sa comfort ng aking cube.
bago ako pumasok sa lobby ng rcbc, yung before na magcheck ang manong guard ng bag, may mga lalaking nakatambay dun. mga naka sports attire ba... parang kaka basketball lang. parang, aah, san kaya sila galing? pero kebs lang ako. muka silang sumilong lang dahil umaambon nga nang malakas. or hindi pa makababa... something like that. or parang waiting for someone. i didn't really care 'cause hindi ko naman sila kilala.
"hi cat!", yan ang narinig ko from one of them. sounded an awful lot like "hi cat!".
dahil likas akong magugulatin, halos napatalon ako sa gulat. i looked at him at todo smile sya... kung nakakapagsalita lang ang mukha, ang sabi siguro ng mukha ko ay: "sino ka?!?!?" at medyo lalong naghalo-halo ang naramdaman ko. hindi ko sya kilala, pero ang face nya ay parang "uy! ako 'to!". i smiled - a confused smile at hinukay ko ang utak ko pero his face wasn't even familiar! i was super clueless talaga!
i didn't stop. i just walked towards the lobby... and into rcbc. hahaha! i assumed he thought i was somebody else. i was sooo rude! grabe sorry! ang feeling ko ay nagkamali lang sya ng tawag, at akala nya ay ako si... cat? oops teka ako nga si cat! waah! kung sino man sya, sorry! nalito talaga ako... sino ako? asan ako? sino ka? hahaha! sisa! magpakita ka ulit sa'kin at magsosorry ako sayo... waaah!
* ang tumatawag lang sakin ng cat ay mga kapamilya ko... as in mami, wawin, kuya, a few relatives, mikey. at hindi sya isa dun... waaah! must be a relative... or a neighbor?