Monday, September 29, 2008

entertainment live

buhay na naman ang mga series! i've seen the new episodes of heroes, grey's anatomy, gossip girl. parating na rin daw next week ang desperate housewives. hmmm, hindi ba't teleserye rin ang mga ito kung tutuusin? :)

heroes... disappointed ako kay mohinder. mukang sya ang magkakalat ng lagim sa daigdig. may-i-crawl pa sya sa pader! susme naagnas tuloy. ever cute pa rin si hiro... "i told you not to open the vault!" hehe. kakatuwa.

grey's anatomy... hmm, wala masyadong drama, wala masyadong aksyon. medyo dragging kung tutuusin yung 2-episode premier nila. ewan baka may iba lang akong iniisip nung mga oras na yon. pero ok lang, papanoorin ko pa rin next week.

gossip girl... nahuli ako sa balita. hindi ko alam na 4 episodes na pala. nag marathon tuloy ako nung friday. hehe. kakaaliw pa rin kahit mababaw. hehe.

may 2 bonus pa ako!

sa kawalan ng magagawa ngayon weekend na lumipas, nanood ako ng my super ex gf at enemy at the gates. worth watching naman. tawa ako nang tawa sa super ex, at iyak ako nang iyak sa enemy at the gates. pogi ni jude law. mukang bading daw sabi ni shine. fine. :) hehehe.