yan ang sabi ni mikey sa akin nung sabado ng umaga. kung bakit nya nasabi yan, heto ang kwento...
friday afternoon, sad ako sa work. kung bakit ako sad, ibang kwento yan. deserve nyan ang isa pang bukod na post. feeling ko todo-buhos ang emosyon sa topic na yun.
so friday afternoon, sa gitna ng pagda-drama ko sa office, bandang 6:00 pm, bigla akong nahilo. gustong-gusto ko nang umuwi pero may tinatapos lang ako nang onti. nakatingin ako sa monitor tapos biglang umikot ang paningin ko. medyo may pressure sa batok, manaka-nakang pagsakit ng ulo. akala ko heart attack, umubo ako. lalo akong nahilo. relax nang konti pero pinilit ko pa ring tapusin ang trabaho.
nakiramdam, tumayo, naglakad papuntang MRT, lumulutang ang pakiramdam. halu-halo na ang naramdaman ko: hilo, pagod, lungkot, nasusuka, takot na baka mahimatay. nakausap ko si kuya at nabanggit kong nahihilo ako. naisip ko, kung magtaxi ako, lalo akong mahihilo. bakit hindi e jeprox mag drive ang mga manong dito. so pinilit kong makauwi sakay ng MRT. little did i know na tumatawag pala si kuya at di ko naririnig dahil wa ako care. ang focus ko lang ay makauwi nang may malay.
pagdating ko ng bahay, pati sina mami takot na takot na pala dahil di ako macontact. pagdating ni kuya, galit na galit at di raw ako macontact di na raw nila alam kung ano nang nangyari sakin. kung bakit nagalit si kuya, heto ang kwento...
thursday night, may officemate syang nakaramdam ng same symptoms ng sa akin + pamamanhid ng ulo. nag excuse sa meeting si officemate dahil na nahihilo at nasusuka. the next morning, hindi na nakapasok si officemate dahil hindi na sya nagising :-S in short, na-dead sya.
so sugod kami sa clinic dito na malapit sa bahay. hindi ko alam kung clinic ba yun o manghuhula.
doc: hi, how are you feeling today?
me: around 6pm, i felt dizzy, light-headed. with occasional headaches, with discomfort at the nape, and with feelings of nausea.
doc: aha!
me: [natuwa dahil parang may conclusion na agad si doc]
doc: do you have colds?
me: very mild, cough mild too.
doc: aha! you have common colds! i will give you medicine for colds!
me: no, no, no. i've had this cough and colds for two weeks now but it's the first time i'm feeling dizzy.
doc: that's right. maybe you just have sensitive nose.
me: [stunned that he isn't even getting my BP. and where did that common colds come from? what is the cause of my hilo attack?] but i still feel dizzy at the moment.
doc: that's ok, that's a side-effect of the colds. do you want lozenges for your cough?
me: no
walangjo. tawag ako sa pinsan kong doctor. mas may sense ang hatol nya. mukang benign positional vertigo raw. na may konting duda kung buntis ako mwehehehe! para maka sure na vertigo nga, magpatingin daw ako sa neurologist after din na ma-rule out ang issue ko sa nanlalabo kong mata.
natakot din si mikey sa kwentong na-dead na officemate. saturday morning, 7am, ang aga ng text. "gising ka na?" hehehe tinawagan ko... "bat ang aga mo nagising?" ang bungad nya, "yey! buhay ka pa!" hahahaha! indeed!
ps: sa wednesday, makukuha ko na ang bago kong eyeglasses. tingnan natin kung mata nga. sana.
ps2: the last time na nahilo ako nang ganito ay college pa sa pilipinas. walang nakitang mali si doc sa akin. sabi nya, kailangan kong bumalik para sa ibang test dahil na alarm sya sa biglang pagbagsak ng timbang ko. "may dahilan ang pagbagsak ng timbang mo" hindi na ako bumalik sa takot matuklasan ang dahilan na yun. hahaha!