di ko maintindihan kung anong sapi meron ako... at nagpakulot ako. nagsimula ang lahat sa isang, "jan, pakulot tayo". ang jan pala, matagal na rin gustong magpakulot. susme...
sa tanang buhay ko, mga 4 na beses na akong nagpa straight/relax/rebond... ah kahit ano pang pangalan nya, pinapaunat ko ang naturally wavy kong buhok (naks kulot pwede ring tawag dito). ni minsan, hindi sumagi sa isip ko na magpakulot. ngayon lang. ewan kung bakit.
marahil dahil sa kawalan ng magawa. maaari ring dahil sawa na akong labanan ang forces of nature - kukulot sya kung kukulot. well! e kung kulutin kaya kita, makulot ka pa?! i don't think so! ang dahilan ni janise, para maiba... sige pa-borrow ng reason mo. gusto ko rin yun, "for a change!". yan.
hindi rin. sinapian lang siguro talaga ako.
ayan, sinuggest nina ate parlorista na digital perm o spa perm ba yun. ah basta, sige kulutin nyo lang.
heto, parang may mother ship na nakakabit sa ulo ko, with a million wires and all. and hinuhuthot nila whatever earthly information ang makita nila sa brain cells ko. susme... para lang akong may sakit. waaah...
matagal ang kulutan (kasi may kasama pa ring pagtuwid ng mga bagong tubo... at yung bangs ko ba). me binenta pang pamahid sa kulot sina ate.. para raw ma maintain ang kulot. susme. so much for "for a change!".
o sya sya, heto na ang kulot naming buhok. janise, i-didisplay kita sa site ko ha. hehe.
4 years ago