- - - - - - - (1) - - - - - - -
cast of characters: marco, anne, janise, mike, jen, ian, vange, reg, alnor, and me :)
yep, di pa huli ang lahat para sa aking cooking event post. sariwa pa ang lahat sa ala-ala ko - masasarap na pagkain! na-inspire kami ng zurich counterparts namin. nakita namin sa shared drive na nagkakaron sila ng cooking event within the QA team. so naisip namin, kung kaya nila, kaya rin namin! why not?!
merong kare-kare, hipon with gata, lumpiang shanghai, inihaw na baboy at manok at bangus, ensaladang mangga at estapegs. hmmmm... ang sarap-sarap. sana madalas itong mangyari.
salamat kay marco at anne for being gracious hosts. naganap ang lahat sa poolside ng aston. matapos ang 10 taon ng pag-iihaw, nakakain din kami... grabe. ang sarap-sarap ng lahat ng pagkain. super gana! success ang lahat ng luto promise!
kasama sa agenda namin ang pagswim namin sa loob ng 30 minutes lang. marami na rin kaming nalangoy at nainom na tubiv, naglaro ng monkey-monkey-anabel, nagkulitan. 30 minutes? tamang-tama lang ito :)
up next, videoke at inuman. susme may pahiya-hiya pang nalalaman ang mga tao! nang lumalim na ang gabi, hala sige! kanya-kanyang birit. nalapastangan ang magic sing... syempre pa hanggang mga 4:30 AM lang naman kaming nagkantahan. at nakitulog pa kami sa bahay nina marco! grabe na ito.
cheers to more cooking events, cheers to good friendship, cheers to a happy and contented life!
- - - - - - - (2) - - - - - - -
cast of characters: janise, mike, kuya, me, (and later that night=>) jeng, liz, and tanny - jan's housemates.
holiday ngayon. deepa vali (?) festival of lights (daw). sweet... pahinga ito. :) kagabi, nag dinner kami ni kuya sa deli france at nag gym na rin sya. bago ito, nag attempt akong mag shop for office clothes... pero bigo ako dahil wala akong type na damit at isa pa, bihirang bihira ang kasya sa kin. how sad.
di ko maintindihan kung bakit pagod na pagod at antok na antok ako kagabi. so iniwan ko na si kuya sa gym at nag rush na akong umuwi. pagdating ko sa bahay, super sarap ng higa ko! this will be a good night, naisip ko.
di pa man nag-iinit ang likod ko sa kama, heto na si kuya... nagyayang mag-inuman daw kami nina janise and mike. ay-ay-ay. dahil ayaw kong mabansagang kf (at gusto ko rin naman talagang makasama sila!) sumugod ako sa bahay nina janise.
hindi ako manginginom, promise. 4 shots pa lang ata ng tequila e nafeel ko na ang urge na sumuka bwahahaha! mega suka ito! pasensya na! sa kalagitnaan ng pagkabangenge ko (aware ako sa mga pangyayari), nasaksihan ko ang mga debate, ang pag-inom nila ng mas marami sa kaya ko hahaha, ang maraming tawa at kasiyahan.
hindi ako manginginom! bwahahaha!
janise, good luck sa pag-uwi mo. buti ka pa makikita mo ang nanay ko (at nanay mo syempre!)
4 years ago
No comments:
Post a Comment