nagsimula ang lahat kagabi, masaya akong pauwi dahil natapos na naman ang lunes. :) iniisip ko pa kung anong lulutuin ko, kung anong gagawin ko sa gabing yon.
nasa mrt na ako. bahagyang siksikan at standing ovation ang drama ko. nakatingin ako sa sandals ni ate local dahil, gash, pareho kami ng sandals. halos ngitian ko sya at sabihing, "hi, we have the same pair of sandals". wow friendly. pero hindi ako friendly, kaya nilunok ko na lang ang katuwaan ko.
may kakwentuhan si ate. masaya silang nag-uusap. maya-maya, lumipat sila sa gilid ko. si ate, kanina pang pagewang-gewang kasi hindi sya nakahawak. nakatalikod sya sa gawing kaliwa ko.
napatingin ako sa bintana, "uy, umuulan" naisip ko. biglang nag-accelerate si mrt. nawalan ng balance si ate. napa-atras, ARAY! ilang segundo ang lumipas bago ko na-realize kung anong nangyari: na halos natadyakan nya ang paa ko! "ouch!" sabi kong malakas. waw sosyal. ouch daw.
'di ako makaisip. gusto ko nang umiyak sa sakit. may dugo na nag-ooze. clueless sya, pero siguro nafeel nyang may laman syang natapakan. humarap sakin, sabay sabi with a long and lasting smile, "did i step on your foot?"
ang cute nya. mahinhin. pero gusto ko syang sabunutan sa mga pagkakataong yun. nevertheless, i smiled back, "yes, it's bleeding."
she was extremely sorry naman. parang gusto na nga nyang kainin sya ng lupa sa kahihiyan. napatawad ko na sya. pero masakit ang ginawa nya sa akin. hanggang ngayon, dama ko pa ang kirot. waw.
so, ano kayang itsura kapag natakong kang so violently?
waah, i just did my toe nails! gusto ko pa naman ang kulay, tan!
pasensya puro gore! hahaha morbid.
ganyan lang ang buhay, kung hindi ka dinadamba ng aso, natatakong ka lang. hahaha! ang saya diba!
4 years ago