Monday, April 13, 2009

side A, side B

side A

watched side A concert last sunday with liza and michelle. super sulit ang SGD22 namin :) galing galing pa rin nila! nakakaindak. nakakaiyak. kasi ang daming love songs. at wala kaming kayakap. hahaha!

maraming pinoy sa event. nakita ko ang HS schoolmates kong sina katrina, che, at attila. ok din naman yung band sa 1st half ng show. sa dxo sila kumakanta everyday except mondays. o diba may recall ang schedule nila sakin? hehe!

naalala ko side A ang pinanood namin ng perslab ko. kasama namin si ecel nun. pagkatapos ng grad pic taking, derecho na kami sa concert. susme medyo may mga mekup mekup pa kami haha! 

sabi ni liza, nag concert daw ang side A sa la salle nung college. at nanood daw kami. pero di ko maalala :( shumoshonda na?

i'm in the mood for download mania -- for side A songs! i love them!

side B

after the concert, derecho na sa birthday party ni epril sa bahay nya. kumpleto and klassic court peeps. kumpleto rin ang friends ni april from city bank.

masarap ang food :) parang bonding moment na rin with housemates.

lumpia ang contribution namin. kaya lang namali ang prito. hahaha naging tustadong lumpia! hindi na rin nila inihain. pero ayos naman pala, naiuwi rin namin at nakain yung iba. hahaha!

happy birthday, epril!

No comments: