Monday, August 03, 2009

new life

this is it! natapos na rin sa wakas ang phase ng project namin na andun ang bulk ng trabaho. fine, na-extend kami ng 1 day. pero grabe, ang saya-saya ko. feeling ko kanina, kung ipagpapabukas pa ang sign-off nito, mamamatay na ako. walang halong biro.

pero ok na. so buhay pa ako! salamat! may mga araw na inaalat ka... pero naisip ko, grabeng kaalatan naman ito! maalat pa sa dead sea! pero ang mahalaga, natapos na rin. ibang yugto naman bukas. pero feeling ko, mas masaya na ang mga susunod na araw. wag lang sanang aalat pa sa pinakamaalat na araw nitong mga nakaraang linggo.

hay. siguro, makakakain na ako. siguro, hindi na ako magigising nang 6:00am na natatakot kung anong mangyayari sa trabaho. siguro, hindi na masyadong bibilis ang tibok ng puso ko. siguro, may panahon na akong chumika (nang konti). siguro makakauwi na ako nang maaga pa sa 8pm. siguro, this is a new life for me!

thank you, Lord at natapos din ito. ang galing galing mo talaga! love kita super! :) thank you kasi love mo rin ako. :)

No comments: