what is the usual breakfast for me?
- burger king $2.95 meal - croissant with egg and cheese + hot milk tea - aka tinapay palaman itlog at keso + tsaa. kapag friday, pwedeng i-upgrade sa croissanwich meal nila. ito ay may halong karne: ham or bacon.
- bean curd with grass jelly - aka taho with gulaman
- 2 char siew pao - aka siopao palaman mala asado
- hard boiled egg with soy sauce + rice - aka nilagang itlog, sawsaw toyo, ulam kanin (weekends lang)
ayan. madampian lang ang labi't sikmura ko ng mga kakaning yan sa umaga e masaya na ang diwa ko. hindi ako malakas kumain pero kapag nasarapan ako sa pagkain e very vocal ako. bawat kagat, sasabihin kong, "sarap!"
hindi ako madalas magsisi sa mga bagay na nagawa ko na dahil wala nang magagawa. natapos na'ng lahat bakit magmumukmok pa? pero kahapon, ang ginawa kong ito ang pinakamalaki ko na atang kamalian sa tanang buhay ko, at pagsisisihan ko ito habang nabubuhay ako. dahil maling-mali.
ano kamo'ng pagkakamali ang nagawa ko? bumili ako ng chicken sandwich sa dome. "for a change," ang sabi ko. for a change mo muka mo! hahaha. shongit ng lasa!
unang-una, ang tinapay, parang mumurahing wheat bread lang na may expiration date na today-1 pero naisip mong pwede pa yan kaya kinain mo pa rin. sabi kasi ng nanay mo, pwede pa ring kainin yun.
pangalawa ang lechugas, mas lanta pa sa gulay na inabot na ng dapit-hapon sa talipapa.
pangatlo, ang chicken spread, may sapi! di ko alam kung anong ibang lasa ang sumapi sa kanya. definitely, hindi sya chicken. di ko nga sure kung spread sya e.
inubos ko pa rin. haha pagkatapos pintasan to infinity level. weh gutom ako. pero masama sa loob ko ang pagkakaubos ko. hindi nya binigyan ng hustisya ang essence ng pagiging chicken sandwich. di na mauulit. paalam.
3 comments:
mukha namang aping-api ireng chicken sandwich na to. =P
hahaha... oo nga, kawawa naman sya :p
hahahaha. ngayon ko lang nabasa - thanks for the laugh! sobra!
Post a Comment