Monday, May 18, 2009

comfort food, comfort beverage

comfort food

napakasarap ng cheez whiz. wee! matagal-tagal na ring panahon na hindi ako nakakain nito. nang maglunch kami sa LP nung friday, ay! may i buy talaga ako ng pinakamalaking bote :) yum. perfect sya sa gardenia bread - natry ko sa banana walnut at calfornia raisin. naiimagine kong masarap lalo sa corn bread. ay kahit saan sigurong bread masarap sya :)


comfort beverage

uso ang ubo't sipon. panong hindi e lahat ng nakapaligid sa 'yo sa bus at sa opisina e umuubo, sumisipon, dumadahak na parang wala nang bukas. walang takipan ng bibig! ayos! hay. sige hawa-hawa na tayong lahat. isama mo pa ang panahong matindi pa sa babae kung magpalit ng isip. masarap sa pakiramdam ang hot tea na may lime or calamansi. wow katamaran, delatang calamansi. hehe.


comfort. hay. sarap. ginhawa. :)

No comments: