Tuesday, March 16, 2010

magtatakipsilim

sa mga panahong ganito (read: mga panahong madrama ako), naiisip ko ang kanta ni wency na next in line: "what has life to offer me when i grow old?" pwede rin namang que sera sera: "will i be pretty, will i be rich?" (talagang yung line ba na yun dapat?!?)


sa taong ito, mag-30 na ako. siguro palapit na nang palapit sa pagtatakipsilim ng buhay ko. remember, paikli nang paikli ang life span ng tao. who knows, naabot ko na ang 1/3 ng buhay ko. meaning hanggang 90 years old akong aabot. kung maging nega ako, maaaring isipin kong naabot ko na ang kalahati ng buhay ko. so feeling ko 60 years ang hangganan ng buhay ko? kung maging ultra nega pa rin ako, maaaring 80% na ng buhay ko ang na-spend ko.


grabe. this is scary. wala pa akong anak. wala pa akong asawa. hindi ko pa nagagawa lahat na gusto kong gawin. hindi ko pa napupuntahan ang lahat ng gusto kong puntahan. lumilipas ang bawat araw na nagtatrabaho lang ako, nagbabasa ng facebook at twitter, gumagastos. at pagdating pa ng ganitong petsa ng buwan, ayan na nagsisimula na akong maging monster mag-isip. idagdag na natin yan sa pampalipas-oras ko. hay. talaga naman oo!


bakit si mami, nung 30 sya may 2 na syang anak? hmm, in fact, 3 na ata e! grabe! ang dami-dami na nyang napagdaanan at nagawa. sa taglay ba naman nyang tapang at talino e! hay. ibig sabihin ba nun, duwag ako at medyo hindi ako matalino?


hay. magawa ko lang ang mga ito, siguro ok na ako. hindi na ako matatakot.

  1. magkaron ng pamilya at anak. super pangarap ko talagang magka-anak. feeling ko, ang dami-dami kong love na gustong ibigay kung bibigyan lang ako ng chance. iba yung love sa asawa, iba rin yung love sa baby/ies. gusto kong i-shower unconditionally yung 2 love na yun.
  2. merong nagpupumiglas na desire sa kalooban ko na gumawa ng something. it doesn't have to be grand as in "change the world!" kahit na sa "make a difference!" level lang super happy na siguro ako. the thing is, hindi pa sya pinapakita sa akin kung ano man yun. pero i strongly feel na there's something! excited akong i-reveal sakin yun. yung giving back factor ba. lead me and i'll follow.
  3. mapagsilbihan ko si mami, or at least make her happy - si mami ang constant good thing in my life. ayokong dumating yung time na magiging alone si mami. she's been through a lot.
  4. makita, at least, na masaya ang 2 kong kapatid at ang sari-sarili nilang pamilya.
for now, yun ang mga wish list ko. syempre there's someone greater than me and me wishing these. there's someone wiser who knows better than me - one who will grant OR will not grant these wishes. tiklop naman ako e. :) tina-try ko namang maging masunuring bata. hehehe.

ayan parang hindi na ako malungkot. :) siguro naman hindi pa 80% no? :p

2 comments:

Mizz Cleo_Kizzy said...

wow. sobrang drama mo ngayon ah!

those are good wishes and i you'll get them in time!

kitty_caths said...

hari-nawa, camille! :) the best for us all :)