Wednesday, March 03, 2010

sugarol

last saturday, we went to the resort world casino upang umusyoso. hehehe. it's not my first time to go to the casino. we were not frequent visitors, but mama, kuya, and i went to "visit" the casino filipino for a couple of times. wow! couple of times. couple of times na ba ang 3? hehehe. i was never lucky in gambling.

mukang hindi na mauulit ang casino visit namin dito dahil naman, meyn! papasok ka pa lang, olats ka na! nakapaskil sa entrance:

100SGD - entrance fee for Permanent Residents and Singaporeans
2000SGD - Annual Fee

my toinks moment:
me (malabo ang mata, napasigaw. later on wishing i did not think aloud): wow! ang mahal naman ng bayad kapag may dala kang ANIMAL! 2000! bat naman ako magdadala ng ANIMAL sa casino?!?! edi iiwan ko na lang sa bahay!
april (tumawa, pero parang nairita): ANNUAL yun! magsalamin ka na nga!

bwahahaha bat kasi nagmamaganda at ayaw magsalamin :p

visitors have no entrance fee. april and i are PRs, kuya and wawin are not. so entrance pa lang, may cash out na agad kaming 200. wow talaga.

anyway, we went there to have some fun. at the top of our heads, we'll not spend more than 100 each inside the casino. so ayun, mega buy na kami ng chips. 400 all in all, tig 100 na taya kung saan mo gusto. kuya introduced us to the roulette. ang ganda pakinggan! pero in reality, para lang syang laro sa perya hehe. may roleta, papaikutin ang bola, hanggang patigilin sya ni gravity at ma-stuck sya sa isang number sa board. ang mga tao sa paligid ng mesa, bago tumigil ang bola, maglalagay ng chips sa hula nilang lalapagan ng bola. pwedeng odd, even, red, black, first 12, 2nd 12, etc., or yung single number mismo ang tayaan mo. yun ang pinakamalaking premyo - kapag nahulaan mo yung single number!

as i said, malas ako sa sugal, so si wawin ang pinaghawak ko ng 200 namin. sabi ko "wawin, bahala ka nang tumaya kung saan mo gusto pero bago tayo umuwi, itaya mo ako sa number 5. yun lang ang hiling ko."

haling na haling ang mga tao sa pagtaya! as in isang tayaan ay 1600! na nawawala na lang na parang bula kung mali ang hula mo. as in!

hay, inabot kami ng 6 na oras sa loob. mananalo, matatalo. paulit-ulit lang. hanggang nagsawa na kami, malapit nang umuwi. pinaalala ko kay wawin ang number 5 ko. na-tempt akong imbis na 2SGD chip ang ilagay, 25SGD na lang. pero nagpigil ako. sayang naman ang 25. pinigilan din ako ni wawin na tumaya sa single number, bagkus ay inudyok nya akong tumaya sa 1 to 6. ibig sabihin, mas mataas ang chance na manalo pero mas mababa ang premyo. fine. sige malas nga ako diba?

boom! lumabas ang 5! "akalain mo?" yan na lang ang nasabi ni wawin. hahaha. jackpot na sana :p as i say, malas ako!

wawin's toinks moment:
kuya: o ito ang roulette... blah blah blah
wawin (bumulong sa akin): roulette? yun ba yung russian roulette?
ako: win, may baril ata yung russian roulette e. hahaha!

so magkano ang nalustay?
caths: 100 (entrance) + 50 (bets) = 150
wawin: 50 (bets) = 50
kuya: bawi lang (bets) = 0
april: 100 (entrance) + bawi lang (bets) = 100

ayus. pwede na rin ;) uulit ka pa? hindi na po :)

No comments: