Friday, October 01, 2010

kbox parteh parteh ni marco

noong lumipas na kaarawan ni don marco (sya kasi ang pinakamayaman sa aming samahan), naisip naming sorpresahin sya ng salu-salong may kantahan. bakit kamo? dahil mahilig syang kumanta. yun lang hehe. naisip din naming maging sporty sporty tulad ng swimming, bowling, dahil mahilig din sya dyan. pero pilay si mike kaya kantahang walang patid ang nagwagi. di na rin kailangan mag-abalang magluto dahil may kainang wantusawa! so solved na ang mga chikiting.


magaling si anne. nadala nya si marco sa kbox sa kallang leisure park. sa kabila ng pagsusungit ng matandang, mayamang, matagal pang mamatay na si don m, nasorpresa naman sya :)


heto't masdan ang sampol sampol ng mga pagkain galing sa buffet. ok na. masarap naman at nakakabusog. maki lang ang napicturan ko pero kumpleto naman mula pampagana hanggang disyerto (wow disyerto ang tagalog ng dessert? hahaha nabuhangin lang). busog ang lahat sa pagkain at inumin.




'di lang sa pagkain busog ang mga bagets, pati sa kantahan. ay! wag ka, walang nota at letrang pinalagpas. sulit na sulit ang bayad namin! ayos kasi may mga opm! galing talaga. enjoy. patok ang lady gaga songs lalo kay mike!


so... happy ang lahat! sayang hindi nakapunta yung iba pero masaya pa rin naman :) sa sobrang saya, mistulang buntis ako sa picture. asus!

maligayang bati, don m! iba ka!

No comments: