Friday, May 04, 2007

pangalawang...

taon na namin ni mikey. yun nga lang 'di kami magkasama ngayon. 'di kami magkikita bukas. 'di rin kami magkikita sa linggo. sa susunod na linggo, imposible ring magkita kami. mukang sa june 29 pwede, pero sana nga pwede talaga.

dati-rati, sinusubukan talaga naming magkita tuwing tuesday at thursday at syempre pa pag weekends. pero ngayon, olats. dyan-ka-dito-ako muna ang drama namin. at maraming maraming dasal na sana 'di maulit ang mga 'di na dapat maulit.

mahirap maghanap ng kamay na gusto mong hawakan. kasi wala naman talaga akong makikitang ibang kamay. kung iba yun, 'di na kamay ni mikey yun. ayoko yun. hay. mahirap din maghanap ng ibang bilbil na makukurot. mahirap maghanap ng hindi mo mahahanap... or alam mong hindi mo makikita.

haay. pare, happy anniv na lang. yung kiss, pag nagkita na lang tayo. hehehe. ok? wag ka magkiss ng iba. di rin ako. pramis. hehe. see you on june 29.

No comments: