Saturday, August 30, 2008

la-ba-da-mi-la-ba-ngo

some days ago, i have expressed my disgust in the laundry system in this building. you don't have the liberty to wash your clothes as often as you want because the washing machine is common for all the tenants in the apartment. if you're not lucky, someone is using the machine. if you have the worst of luck, someone leaves his clothes on the machine - FOR HOURS!

yesterday, i felt my dirty clothes were ready to eat me up if i didn't wash them then. i went home early, all energized to do my laundry. i was home at around 6:30, but somebody left his clothes in the machine. the clothes were sitting there for so long! other tenants put his clothes somewhere, like a hamper, just so they could wash their clothes. after they used the machine, they put back his clothes in the machine.

i didn't want to remove his clothes. there were briefs and all! didn't want to touch those... how irresponsible of him. argh.

so to put it short, i wasn't able to wash my dirty laundry. i was waiting by the stairs for the owner of the darned clothes but he didn't come. frustrated and all, i left him a note: "next time pls don't leave your clothes. i've been waiting for hours." and i slept with hopes of waking up early the next day and finding his clothes gone.

it's against the house rules, btw, to remove someone else's clothes. and it's also against the house rules to leave your clothes rotting in the machine for hours. he disobeyed the second, i disobeyed the first when i woke up this morning. using a sandwich bag as hand protector (aka gloves), i removed his clothes, briefs, socks, and all, and put them in a big plastic bag. and with heart full of glee, i washed my clothes - at 7am! so much for having a good relaxing weekend.

here's the laundry area at the basement. the machine at the left is the washing machine, and the one at the right is the drier. the plastic bag on top of the drier is where i put the mystery man's darned clothes. n.b.: sira ang drier so pahirapan din magpatuyo ng damit. how bad could it get? it sucks. this is our terrace. we (with jan, shine) star-gazed here last weekend, stayed up late and watched the stars and talked about religion, science,our dreams, our personalities, movies, and all sorts of topic under the stars (literally :D)


this is the terrace now: with my clothes hanging on a makeshift clothesline. ask me how i made the sampayan. i cut a strong plastic bag into strip, tied them into knots to make them form a long line, and tied them on the rails of the terrace. voila! sampayan! the sun's good and i bet my clothes will dry in a few more hours. unlike in the past weeks - clothes dry in days! because it's too cold and there are no sampayans!!! it's really a pain - no more!


some notes for background:
  • the apartment owners provided us with around 10 pcs of hanger.
  • we bought additional hangers at 3CHF for 4 pcs!
  • there are no sampayans in the houses. there are available sampayans in the basement but don't want to leave my clothes there.
  • is it bawal to sampay in the terrace? i have no idea, but i did it just the same. getting desperate here. hahaha! if there's a will there's a way!

Saturday, August 23, 2008

learning to like...

bahnhofstrasse

is like orchard in singapore. it's an array of shops, shops, and more shops. all shops close at around 6pm though. even on weekends!

one of the narrow shopping streets... and more uphill/downhill eskinitas paved with cobblestones - all adorned with shops. :)




churches
great church interior... this was where we had my first Sunday mass here as well as the Assumption mass.

Church of Our Lady of Lourdes - under renovation. the parish priest is one of the kindest priests i've known... very approachable and friendly.the filipino choir! felt very at home when i saw these filipino speaking people. we heard that the reason they had an english 6:30pm sunday mass was there is a big number of filipino mass goers in this area.

entrace - yiha solo pic
diskuhan
this place is called zic-zac, did not enjoy it that much because music's quite old, cigarette smoke is trapped in the enclosed area, and may mga weird na tao... that probably includes us. was a good dance anyway :)

Friday, August 22, 2008

alak

mabait ang amo ko. wala akong masasabi sa kanya. isa sya sa nagpaparamdam sa aming tatlo dito na kabilang kami sa grupo (susme parang dear charo lang ito). lagi syang nakangiti sa amin at laging handang tumulong sa lahat ng pagkakataon.

kahapon, inimbitahan nya kami sa isang party. waw, parang sosyal, party! hehehe, at wala raw kaming dahilang hindi sumama. dala na rin siguro ng hiya dahil maganda naman ang turing nya sa amin, sumama kami ni janise. si shine, naglaba. hehe. hindi napilit.

bakit may party? tanong ko sa kanya. wala lang, sosyalan lang. susme. sige. sama na kami. pahabol nya, sumama na rin kayo sa korean restawran para sa hapunan bago mag-inuman. sige. para na rin hindi kami maligaw sa sosyalan. nag-aabang pa lang kami ng tren, susme, mamatay-matay na kami sa ka-OPhan ni janise dahil 4 silang lalaki na iba-ibang lahi. makukulit sila. di naman siguro kami ma-OP kung naiintindihan namin yung mga pinagtatawanan nila. ganito ang pangyayari hanggang dinner. may mundo sila, may mundo rin kami ni janise. mahaba ang gabing ito, naisip ko.

pagkatapos ng hapunan, pumunta na kami sa wine bar. waw! d-vino ang pangalan nung bar. at naturalmente, wine daw ang nararapat na inumin dun. ayos. naaalala ko ang pag swirl swirl sa wine glass bago mo ito inumin. napapanood ko ito sa discovery pero 'di ko ginawa. nakakahiya. hahaha! dumarami na ang tao. patuloy sila sa pag-uusap. ayos lang, patuloy rin kaming nag-usap ni jan.

nakakarami na kami ng inom. naka 6 na baso ata kami (6 na bote ng alak, at lahat may parte sa bawat bote). sumuka ako sa banyo. dalawang beses. walangya, matapang din pala ang alak... mistulang juice nga lang naman sya, sabi ni janise. tuwing balik ko ng upuan ko galing suka, hala, ngiting ngiti ako sa kanilang lahat. ganun ako malasing. mayumi, nakangiti lang, mahinhin. hahaha!

maya-maya pa, napansin kong kinakausap na nila kami, at ang daldal na rin namin ni jan. hala, tuwang-tuwa naman kami sa mga usapan. super belong naman kami diba?! feeling close, brushing elbows. haha! mababait naman pala sila. hanggang sa dulo, talagang hindi na kami na-OP. salamat sa alak.

ang beso-beso dito ay beso-beso-beso. hahaha! 3 halik sa pisngi imbis na 2 lang. o diba, hanggang sa beso-beso-beso e kasali kami! bongga! mistulang sosyal! hahaha. nag-enjoy ako. hindi ako nagsisising sumama kami dahil maganda syang pagkakataon na makakilala ng ibang tao, makakilala ng kultura ng ibang lahi, at mapatunayan sa sarili ko na hindi naman pala sila aloof sa mga asyanong tulad ko. yun nga lang, umuwi akong bangag.

kaninang umaga, tinanong ako ng amo ko kung nag enjoy ako. sinabi ko ang totoo. sabi ko nung una, hirap kaming makisali. pero nung huli, masaya na kami. sabi nya, natuwa syang nakihalubilo kami at nakiride sa mga joke nila.

ang alak. bow.

p.s. dito nga pala, parang hindi uso ang pagpapakilala sa mga dayo sa grupo. hindi rin uso ang pag-entertain kagaya sa pinas pag may porenjers, parang todo asikaso tayo diba? sa team pag may bisita, special treatment. dito hindi ganun. parang responsibilidad mong magpakilala sa grupo at responsibilidad mong makibilang sa kanila. yun lang.

ang alak. bow.

Sunday, August 17, 2008

happy betdey!

it's my birthday! maraming maraming salamat sa lahat ng bumati at nakaalala sa isang insignificant na nilalang na tulad ko. i needed those lalo't malayo ako sa sibilisasyon ngayon. waw maarte lang.

kagabi, nagkwentuhan kami ni jan hanggang mangawit ang mga panga namin. ewan ko. di lang talga nauubos ang mga kwento namin. hehehe. pagdating mga 12:00 am, birthday ko na! ayan, di ko maintindihan kung paanong naging horror ang moment na to at nagtakbuhan kami pabalik sa kwarto. susme. tama bang maging gabi ng lagim ang birthday ko?!? hahaha great laughs!

who says you can't be happy on your birthday even though you are in a foreign world? as i always say, when you are away from your home and family, everybody in your circle becomes an instant beloved family member :)

here's my surprise birthday party, i feel so honored and blessed because i was joined by my two lovely guests, jan and shine (in pyjamas and all! bongga!)



it was a feast! there was pasta (cooked by shine!), pizza, cake, left-over adobo, apple juice, balloons (pumped [waw] by jan!). what more could i ask for?! and birthday messages from my family and friends. at humahagulgol ako at 2:30AM. :)) horror, drama, comedy ito. susme!

the foody!

the coop picha!

the choclate cake!

the balloons!

it was a grand day! very, very special. oops, weather check: drizzling... wenongayon?! i'm happy!

Saturday, August 16, 2008

8 post meridien


view from my window at 8pm. yes, 8pm :) won't probably last long since summer is ending.
they say it'll all be just rain, rain, and more mighty rain. where's the fun there?
i have never been a fan of rain and anything that's wet.
all i want is the nice, warm sunshine... and clear, blue skies! yay

eat bulaga

wow, buhay na naman ang blog ko. kasi naman may mga bago akong kwento. :) masaya diba?

laundry setup: there is one washing machine and one drier per building. syempre kung may naglalaba na, di ka pwede sumingit, so medyo based on luck ang kapalaran ng mga maruruming damit mo - kung lilinis ba sila or hindi sa araw na ito.

swerte ang mga damit ko kagabi. pagkagaling ko sa basement para magdry ng mga damit, aakyat na ako sa 3rd floor nang may makita akong parating na mga anaps. ayaw kong may makasabay paakyat sa 3rd so kumaripas ako ng takbo para lang makaiwas sa tao.

pagdating ko ng 2nd floor, hala akala ko 3rd floor na!!! mega open naman ako ng door ng may door, pasok ako, hala nakita ko sila waaaah! mga anaps na walang tshirt. susme. naglalaptop ang iba, yung iba nakaupo lang, ganyan. nakatingin lang din sila sakin. siguro sa isip-isip nila sang lupalop nanggaling tong babaeng to. hahaha...

oh well, dahan-dahan akong umatras, sinara ko ang pinto nila at kumaripas ulit ng takbo paakyat sa unit namin. ano ba yan. ganun na lang? bulagaan na lang sa bahay ng may bahay? hehehe! the best! sorry mga kuya!

Friday, August 15, 2008

swiss miss

location: zurich, switzerland

ang unang sumagi sa isip ko ay, ang swerte ko naman... kung 'di dahil sa project ko e 'di siguro ako makakarating dito. pero ngayong nandito na ako, parang nakakadalawang-isip. hehehe.

parang nasa tagaytay ako. ganun ang lamig nya - summer ito. maraming nagyoyosi, siguro para uminit ang mga katawan nila. waw. at lalamig pa sa mga araw na darating.

parang laging tanaw ang mga bulubundukin na dating nakikita ko lang sa drawing ng lata ng alpine. susmiyo.

saturday, fresh from my night flight, pumasyal kami sa annual street parade nila. ito yata ang dinadayong event nila. wild sya. maraming tourists na nagkalat sa kalsada, halos hubad na ang iba, karamihan lasing, wala sa sarili, bangag. ganun. party mode ang lahat. na-shock ako.

sunday, pumasyal kami sa ballenburg kasama ang teammate naming si loli at ang jowawa nyang si joachim. they're super kind and accommodating. masaya ang trip. yung ballenburg, bale yung mga lumang structures (bahay, barn, at kung ano pa mang building) dito na i-dedemolish para sa road expansion, nipre-preserve nila at tinatayo ulit sa ballenburg. so naging na syang museum. parang intramuros ganun.

masaya naman ako dahil ok yung bahay namin, ok ang mga kasama kong sina jan at sunshine. ok naman din sa office dahil yung mga dating nakaka-chat ko lang e may mukha na sila ngayon. nasasalubong mo, nakakainteract, nakakajoke-an mo ganun. ok naman so far.

siguro kung merong di ok, ito ay ang pakiramdam na pinagtitinginan ka. ayaw na ayaw ko ang tinitingnan ako. kasalanan ko bang umitim ako, at lumiit? hehehe.

ayaw ko rin na maagang nagsasara ang mga mall. as in mga 6pm, yung iba 8pm. grabe. samantalang sa sg, hala sige mag mall ka hanggang kulaniin na ang singit mo, ok lang.

yun lang. wala lang. hehe.