location: zurich, switzerland
ang unang sumagi sa isip ko ay, ang swerte ko naman... kung 'di dahil sa project ko e 'di siguro ako makakarating dito. pero ngayong nandito na ako, parang nakakadalawang-isip. hehehe.
parang nasa tagaytay ako. ganun ang lamig nya - summer ito. maraming nagyoyosi, siguro para uminit ang mga katawan nila. waw. at lalamig pa sa mga araw na darating.
parang laging tanaw ang mga bulubundukin na dating nakikita ko lang sa drawing ng lata ng alpine. susmiyo.
saturday, fresh from my night flight, pumasyal kami sa annual street parade nila. ito yata ang dinadayong event nila. wild sya. maraming tourists na nagkalat sa kalsada, halos hubad na ang iba, karamihan lasing, wala sa sarili, bangag. ganun. party mode ang lahat. na-shock ako.
sunday, pumasyal kami sa ballenburg kasama ang teammate naming si loli at ang jowawa nyang si joachim. they're super kind and accommodating. masaya ang trip. yung ballenburg, bale yung mga lumang structures (bahay, barn, at kung ano pa mang building) dito na i-dedemolish para sa road expansion, nipre-preserve nila at tinatayo ulit sa ballenburg. so naging na syang museum. parang intramuros ganun.
masaya naman ako dahil ok yung bahay namin, ok ang mga kasama kong sina jan at sunshine. ok naman din sa office dahil yung mga dating nakaka-chat ko lang e may mukha na sila ngayon. nasasalubong mo, nakakainteract, nakakajoke-an mo ganun. ok naman so far.
siguro kung merong di ok, ito ay ang pakiramdam na pinagtitinginan ka. ayaw na ayaw ko ang tinitingnan ako. kasalanan ko bang umitim ako, at lumiit? hehehe.
ayaw ko rin na maagang nagsasara ang mga mall. as in mga 6pm, yung iba 8pm. grabe. samantalang sa sg, hala sige mag mall ka hanggang kulaniin na ang singit mo, ok lang.
yun lang. wala lang. hehe.
4 years ago
2 comments:
wow sarap naman! :) happy birthday nga pala my dear!! ingats ka dyan.
ehem, happy birthday din! birthday mo na now na... hihi! huy! congrats din pala!!!! awww.
Post a Comment