Wednesday, August 25, 2010

judo!

the yog fever is here! hindi naman ako mahilig sa sports pero nang magyaya sina jan at marco, syempre game naman ako. pero, i admit, i just went para maki-usi. :p there were a couple of events held in suntec. i think there's boxing (hmmm common na. sinong hindi pa nakakita ng boxing?), there's handball (weh tila pasahan lang ito ng bola), and there's judo. ayan, mukang bago sa paningin at pandinig. judo tayo!

look at these giant flags. so nice!

hindi ko maipaliwanag kung matutuwa ba ako or maiiyak sa mga napanood ko. nandyang hinablot ang kwelyo, inararo, binalibag, pinatid, initsa ang kalaban. brutal! hahaha! sobrang discipline talga ang kailangan kung hindi, baka nagkapikunan at nagkapitikan na ng tenga. so physical! salamat sa print-outs ni marco ng mechanics ng game at medyo nakarelate kami.

here are the girl medalists. i think belgium got the gold.

and here are the boy medalists. japan got the gold.

pasensya na, hind ko rin maipaliwanag kung tao ba o langgam ang gusto kong ipakita dito :p masyadong maliit. walang zoom.

gusto sana naming magpa picture sa mga athletes pero nagcecelebrate pa sila ng victory. in the meantime, may batang big boy na nag-aabang dun sa bleachers. athlete sya sabi ng lanyard nya. ayan, magkapicture man lang kami, nagpa picture na rin kami sa kanya. we learned that he's from belgium and a gold medal for cycling! wow!!! see those balloons? those are very nice clappers and we took them home. naputok nga lang yung isa hehe.

in the end, nakapagpapicture din kami sa mga medalists ng judo. pero wala sa phone ko hehehe, nasa kanila.

finally, we had dinner at tuktuk with anne. (sarap talaga sa tuktuk mura pa :) )

No comments: