Tuesday, October 21, 2008

healthy eating habits

gumising. to eat or not to eat? 'wag na lang, male-late na ako sa 8:09AM train ko. magbaon ng muffin. kainin sa office.

pagdating sa office. wow, busy. 'di ko na nakain ang muffin ko. nakatiwangwang lang sya sa table ko.

uy, lunch na. wala pang laman ang tyan ko kundi tubig. hmm.

chinese food na lang ang lunch. greasy ito.

stressed ako. kalahati na lang ang kakainin ko. 'di ko na maubos e.

busy. walang meryenda.

uy 7:30 na. kumakalam na sikmura ko. uwian na. ano kayang pagkain sa bahay?

ay ako pala nagluto nung sunday. menudo. hmmm. sarap. totoong pagkain.

dami kong nakain! bundat! hala sige. magpakalaki ka, bilbil. bangungot pwede rin. 9pm na e. malapit na ko matulog.

bukas ulit. ganito. healthy no? :)

No comments: