Saturday, October 18, 2008

'sang litrong beer at iba pa

somehow, we managed to gate-crash to the october fest. tagalugin natin, at walang sambitan ng pangalan...

pagpasok pa lang namin sa tent, wow ang saya-saya ng lahat ng tao. malakas ang tugtog, lahat ay may hawak na 1 litrong beer, nagsasayawan. nakita namin ang mga kasama namin sa isang mesa at nakisingit kami. hahaha wala namang naagawan ng upuan, somehow, nagkasya kami.
beer kung beer. maya-maya, sabi nila, kailangan daw tumayo sa bench na inuupuan mo at sumayaw. ayaw ko sana. pinandilatan ako, "you have to stand up!" ok fine. madali akong kausap. tayo kami. indak kami. nariyang muntik mahulog, may mga bastos na mama pero ok naman. ang alam ko lang enjoy ang lahat ng tao dun.

bandang 11pm, may mga bouncer na nagtataboy ng mga tao. hehe. nagkukwentuhan pa kami. ayaw pa naming umuwi so chika chika pa kami sa labas. may mga sumunod pang pangyayaring di na siguro kailangang ikwento dito pero sobrang freaky at unique sya. siguro minsan lang sa buhay ko mangyayari yun hahaha!

ang gusto ko lang naman ay makakita ng october fest, uminom, at magsaya! hmmm, may mga extra pa akong nakuha na hindi ko sana gustong maranasan ko. pero oh well... life's like that. :)

No comments: