- karatula - lahat in swiss german. i don't have a sense of direction. what more if the directions are in swiss german? ayos. mula sa airport paglapag ko hanggang sa mga karatula sa restroom. sila lang ang nakakaintindi.
- kahera - mabibilang ko ang mga ate kaherang marunong mag english. susme, ikaw pa ang masama kung 'di ka makaintindi ng salita nila. si ate sa canteen, simula pa lang ng pag-abot mo ng bibilhin mo, hanggang sa pagkuha nya ng bayad mo at pagbalik ng sukli, walang katigil-tigil ng pagsasalita - in swiss german. hay ate, i wish i could understand you. mas maganda sana ang daldalan natin.
- babasahin - i love books. i was in HB after work, waiting for jan. i saw a bookstore, may-i-enter ako. wow. magazines, books - all in swiss german. i don't love books that much after today. hehe.
- opisina - setting: conference call. ako lang ang pinoy. defects meeting daw. may-i-dial ako. english ang discussion. great! after a few minutes, ayan na umaariba na sila ng salitang lokal nila... 'di ata maipahayag nang maigi ang damdamin sa english. wow may damdamin pala sa defects meeting. "i think we should stay in english" sabi ng peborit kong dev. wow mukang may malasakit sya sakin. thanks, devboy.
- ligaw - this morning, as usual, kandarapa ako paghabol sa 8:09 train ko. si kuya, naliligaw ata, nagtanong sa akin: "nahdfashfa;skdhfvashf;akshdfkashflashvfas?" yan ang intindi kong tanong nya. "i'm sorry, in english, pls?" sabi ko. "oh, do you know the way to
school?" ayan nagkaintindihan na kami, matutulungan ko na sya siguro. "sorry, i don't know that" bwahahaha! pinatranslate ko pa e mas ligaw pa ata ako sa kanya. sorry, kuya! beterlaxnektime! - palengke - lahat ng labels nila, lokal na salita. labels sa mga produkto, pati instructions! susme di ko alam kung ang nabili ko e asin o asukal! mygas! bili kami ng pansit - cooking instructions, no english. susme gamit na gamit ang babelfish! at wag kalimutan, si ate kahera, 'di kami magkakaintindihan pagbabayad dahil di sya nag i-english. hehe
4 years ago
No comments:
Post a Comment