Thursday, March 31, 2011

ang hangganan ng pag-ibig

*** warning: this is a semi-cheesy post ***

ang pag-iibigan namin ni mike ay may hangganan. opo. ngayon pa lang, alam na namin ang mga hangganan ng pagtitinginan namin.

bilang magkalayo ang pag-iibigan namin, minsan nag-uutuan kami sa webcam para mas sumaya ang usapan. kung sino ang unang mang-uto, dapat magpauto at magparaya ang isa. bawal ang hindi magpauto. example: ipapamonstra ko kay mike ang mga kissing scene sa pelikula - yung tipong nakanguso ka at nagmo-move sideways left and right yung ulo mo. kapag ginawa nya yun, panalo! tawang-tawa ako at naka score ako sa pang-uuto!

kapag pinagawa nya sakin 'to, gagawin ko rin naman. at matutuwa naman syang nauto ako. ganyan kababaw ang trip namin. :))

one time, gusto kong mang-uto, "mike, kiss mo ko parang sa pelikula." ay, ayaw ni kuya. tumanggi! ayaw raw nya magpauto nung araw na yun. e corny ang hindi nagpapauto. with all my might, halos pasigaw na nga, sinabi kong, "AYOKO NA SAYO! MAY HANGGANAN ANG PAG-IBIG MO SAKIN!"

nag-iba ang muka ni kuya na parang na constipate na natatawa, sabay sabing, "naririnig ka nila!" hahaha nakabukas pala ang pinto at narinig ni ate (pinsan), manang (kasambahay), at charles (doggy) ang pag-iinarte ko. siguro sabi nila, ang weird ko. weno? :))

yan ang hangganan ng pag-ibig nya sakin.

ang hangganan naman ng pag-ibig ko sa kanya ay american idol. ipinagpapalit ko ang chat time namin sa american idol. tipong naiirita pa ako pag kinukulit nya ako at marami pa syang sinasabi at magsisimula na ang show. hahaha! weno? sorry naman, sumusubaybay ako e! sa mga pagkakataong palabas ang american idol, ang drama ni kuya ay, "sige, manood ka na. may hangganan ang pag-ibig mo sakin. hanggang 10:00 lang ang pag-ibig mo kasi american idol na."

yan. yan ang alamat ng mga hangganan nag pag-iibigan nina mike at caths. bow.

No comments: